Isa sa mga biktima ng nangyaring pagsabog sa isang establisimento sa Legazpi City, binawian na ng buhay

LEGAZPI CITY – Binawian na ng buhay ang isa sa 35 indibidwal na nasugatan sa nagyaring pagsabog nito lamang Sabado sa isang food stall sa CAL Courtyard sa Brgy. Pinaric, Legazpi City.

Ito ang kinumpirma ni Albay Police Provincial Office Provincial Diector PCol. Julius Cubos Añonuevo sa Brigada News FM Legazpi, kung saan alas 12 ng hatinggabi umano namatay ang isa sa mga biktima na kinilalang si Jurie Ramos Masarate, 42 anyos na residente ng Brgy. Bagtang, Sagpon, Daraga.

Read More:  American, Filipina couple found dead inside Dumaguete home after shooting

Inalis din ni Añonuevo ang mga haka-haka na sinadya ang pagsabog dahil “gas leak” sa isang LPG tank ang pinagmulan ng insidente.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection Legazpi, habang nagpapagaling pa ang iba pang mga biktima sa iba’t ibang ospital matapos magtamo ng pinsala sa kanilang mga katawan.