Isa patay sa NPA matapos magka-engkwentro sa Barcelona Sorsogon; ilang mga armas narekober

LEGAZPI CITY – Iniwang Patay ang isa sa mga kasamahan ng News Peoples Army matapos makasagupa nito ang hanay ng mga sundalo sa Barangay Olandia Sorsogon.

Sa ulat, alas singko ng umaga ng makasugupa ng mga militar ang mga Npa matapos magsubong ang mga residente sa nabanggit na barangay ang presencia ng mga terorista.

Dahil dito agad na pinuntahan ng mga sundalo ang lugar kung saan nakasalubong nito ang humigit kumulang na 12 CNT dahilan para magkaroon ng bakbakan o palitan ng putok sa magkabilang panig na halos tumagal 15 minuto.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Wala naman napaulat na nasawi sa hanay ng nga militar habang inaalam pa ng mga sundalo ang pagkakakilanlan sa nasawing NPA. Narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang (2) M16 rifle na may kasamang isang M203 at iba pang mga mahahalagang kagamitan ng teroristang grupo.

Sa ngayon, mahigpit na seguridad ang ipinaiiral ni Brigadier General Aldwine Almase, Commander ng 903rd (PATRIOT) Brigade sa lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Inalerto naman ni Police Brigadier General Mario Reyes, Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 5, ang kapulisan kasunod ng nasabing pangyayari.

Samantala, pinapaalalahanan naman ni MAJOR GENERAL ALEX LUNA, Commander ng Joint Task Force Bicolandia (JTFB) at 9th Infantry (SPEAR) Division, Philippine Army ang mga kasamahan ng mga CNT na napasabak sa labanan na huwag nang mag-aksaya ng pagod at lakas, lalo na’t malaki ang posibilidad na may iba pang nasugatan sa nangyaring engkwentro.