Isa patay sa banggaan ng SUV at tricyle sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Patay ang driver ng tricycle matapos makabanggaan ang isang Sports Utility Vehicle dakong alas 9: 30 Linggo ng gabi sa kahabaan ng Eco Avenue, Purok 1, Barangay Del Rosario, Mercedes, Camarines Norte.

Kinilala itong si Armando Abad y Gana, may asawa  at residente ng Purok 2, Barangay San Roque, parehong bayan.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Batay sa police report, habang binabagtas ng SUV na minamaneho ni alyas “ Jong” 65, Van Operator, ang kahabaan ng Eco Ave. mula sa bayan ng Mercedes, patungong Daet ay aksidenteng nakabanggaan nito ang kasalubong na tricycle na minamaneho ni Abad.

Nabangga rin ng SUV ang nakaparadang hauler nang lumiko sa kaliwang direksyon matapos makabanggaan ang tricyle.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Isinugod pa ng mga rumespondeng tauhan ng MDRRMO-Mercedes sa Camarines Norte Provincial Hospital ang driver ng tricycle pero idineklara itong dead on arrival ng doktor.

Naksa kustodiya ng Mercedes MPS ang driver ng SUV na mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide.

(Photo: MDRRMO Mercedes)