Isa patay, apat sugatan, matapos araruhin ng isang truck ang isang bahay sa Unisan, Quezon

Inararo ng isang forward truck ang isang bahay sa Barangay Ibabang Kalilayan, Unisan Quezon nitong Biyernes, Marso 15.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad nawalan ng preno ang naturang truck paglampas nito sa kurbang bahagi ng Provincial Road ng naturang barangay at sumalpok ito sa isang bahay.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sa lakas ng pagbangga ng truck lubhang nasugatan ang driver nito na naisugod pa sa hospital ngunit idineklara din itong dead on arrival.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Samantala, sugatan naman ang tatlo pang pasahero ng nasabing truck at isa sa mga nakatira sa inararong bahay at kasalukuyang nagpapagaling sa hospital.