Isa pang bangkay sa Israel – kinukumpirma kung Pinoy

Inihayag ng Embahada ng Pilipinas sa Israel na meron pang isang bangkay na isinasailalim ngayon sa DNA testing para makumpirma kung ito ba ay Pinoy.

Mula Tel Aviv, nilahad ni Philippine Ambassador to Israel Junie Laylo Jr. sa Malacañang Press Briefing kanina, na maliban pa ito sa dalawang kumpirmadong nasawi sa Israel.

Kabilang sa mga kumpirmadong napatay ang isang 33 anyos na babae mula sa Pangasinan, at 42 anyos na lalaki mula Pampanga.

Ayon sa Embahada, napatay sila sa unang araw ng pag atake ng Hamas sa Israel.

Ang isa sa kanila, niratrat umano ng Hamas kasama ang kanyang amo, habang ang isa kinumpirma ni Labor attache Rudy Gabasan na kabilang sa tinangay ng teroristang grupo.

Tumanggi naman si Laylo na ilabas ang pagkakakilanlan ng dalawang biktima, batay na rin anya sa hiling ng pamilya ng mga ito.

Sa kabila nito hindi inirerekomenda ng Department of Foreign Affairs ang pagpapatupad ng mandatory repatriation.

Depensa ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na bahagya nang bumubuti ang sitwasyon sa Israel.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *