Naglabas ng memorandum ang Office of the Executive Secretary hinggil sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na suspendihin muna ang implementasyon ng implementing rules and regulation o IRR ng Maharlika Investment Fund Act.
May petsa ang memorandum nitong October 12 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, at naka address sa Officer-in-charge ng Bureau of Treasury na si Sharon Almanza, Lynette Ortiz ang President at CEO ng Land Bank of the Philippines at kay Michael de Jesus ang President at CEO ng Development Bank of the Philippines o DBP.
Ayon kay Bersamin, ang iniutos na suspension ni Pangulong Marcos ay para mas maingat na pag aralan ang IRR ng MIF upang matiyak na ang layunin nito ay para sa kaunlaran ng bansa at may sapat na safeguards para sa transparency at accountability.