Iranian Embassy – tutulong na palayain ang mga Pinoy na binihag sa Gulf of Oman

Nangako ang Iranian Embassy sa Manila na tutulong sa Pilipinas sa kahilingan nitong palayain ang 18 Pinoy crew ng oil tanker na binihag sa Gulf of Oman.

Sa isang panayam, sinabi ni DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo Jose de Vega, naghihintay pa sila ngayon ng ulat mula sa embahada at hindi pa rin makumpirma ang kalagayan ng mga Filipino seafarers.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Sinisimulan na rin aniya ng Department of Migrant Workers na makipag-ugnayan sa mga pamilya ng 18 seafarers para sa kaukulang tulong.

Maaalalang, patungo sa Turkey ang Marshall Islands-flagged crude oil tanker na St. Nikolas ng biglang sakyan ng apat na armadong kalalakihan na nakasuot pa ng military uniform.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Ang nasabing barko ay may lulan na 19 katao na kinabibilangan ng 18 Pinoy at isang Greek national.

Itinuturing gumanti ang Iran sa ginawang pagkumpiska ng US sanctions enforcement operation ng Suez Rajan na mayroong kargang 980,000 bariles ng krudo.