CHR, suportado ang panawagan ng pamilya-Veloso sa pamahalaan ng Indonesia

Kinilala ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga hakbang ng executive branch na nagpapahintulot sa pamilya ng Filipino death row inmate na si Mary Jane Veloso na makipag-ugnayan at manawagan sa Indonesian government hinggil sa kanyang kalagayan.

Read More:  DMW chief to visit Kuwait amid Middle East tensions

Sa isang pahayag, sinabi ng komisyon na wine-welcome nito ang development sa kaso ni Veloso, kasabay ng pagtitiyak ni Indonesian President Joko Widodo sa muling pagsilip sa desisyon hinggil sa drug charges ng OFW.

Umaasa umano ito na ang reexamination sa kaso ng Pinay ay magreresulta na sa pagkalaya at pagbalik nito sa kanyang pamilya.

Read More:  DepEd launches disaster risk platform

Samantala, kinilala rin ng CHR ang ‘proactiveness’ ng Indonesia sa pagbibigay ng daan para makapagsagawa ang Pilipinas ng dayalogo at diplomatic exchanges upang matugunan ang Veloso case.