Ipis –  nagliwaliw sa upuan ng departure area sa NAIA

Nagiging instant zoo na nga ba ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA)?

Matapos kasing makita ang mga peste sa NAIA tulad ng surot sa upuan at dagang namamasyal – ngayo’y muli na namang nag-viral ang video na may nakitang ipis sa upuan ng departure area ng paliparan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ayon sa uploader, matutulog sana sila sa upuan pero tila nagising ang diwa nang makita ang ipis.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Aminado ang Manila International Airport Authority (MIAA) na hindi katanggap-tanggap ang sunud-sunod na serye ng mga peste sa NAIA.

Dahil sa mga ito, pupulungin ng MIAA ang pest control, housekeeping at iba pang service provider ngayong araw para tugunan ang problema.