Binuksan na ang ipinatayong covid19 molecular laboratory sa lungsod ng Olongapo.
Ito ay ang swab testing center na pinondahan ng city government noon pang nakaraang taon para magkaroon ng sariling testing capability ang lungsod.
Ayon kay Mayor Lenj Paulino, uunahin munang isalang ang mga swab samples ng mga covid-19 suspect ng James Gordon Memorial Hospital para maiwasang matambakan ng pasyente ang mga ward ng pagamutan nang mga hindi naman tiyak kung positibo sa corona virus disease.
Matatandaan, matagal ding naantala ang pagbubukas ng laboratoryo makaraang ilang ulit na di pumasa sa standard ng Department of Health ang sukat at disenyo ng gusali na itinayo sa Brgy.Kalaklan.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
