IPHO So.Cot, nagbabala laban sa heat stroke

KORONADAL CITY – NAGBABALA ang Integrated Provincial Health Office o IPHO South Cotabato sa mga mamamayan laban sa heat stroke ngayong summer season.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr na kung maaari, iwasan ang paglabas at pagbilad sa araw mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon kung saan naitatala ang mataas na temperature na umaabot sa 40 degrees Celsius.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ngunit kung kailangang lumabas, pinayuhan nito ang publiko na magdala ng sombrero o payong.
Binigyang diin din ni Aturdido ang kahalagahan ng pag-inom ng maraming tubig upang makaiwas sa dehydration.

Ilan sa sintomas ng heat stroke ang sobrang init na body temperature ngunit hindi pinagpapawisan at sakit ng ulo.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Maliban sa heat stroke, pinag-iingat din ang publiko laban sa mga sakit sa balat at sunburn lalo na yaong may planong maligo sa dagat at kung maaari ay maglagay ng sunblock.