LEGAZPI CITY – Magtatapos na ngayong araw ang isinagawang inspeksyon sa iba’t ibang mga infrastructure development sa Masbate na pinangunahan ng Department of Agriculture – Philippine Rural Development Plan (DA-PRDP).
Ito ay pinangunahan ni Project Support Office South Luzon Project Director Milo D. Delos Reyes, kasabay ni DA-PRDP Regional Project Coordination Office Bicol Deputy Project Director Adelina A. Losa gayundin ang PSO South Luzon at ilan pang opisyal.
Ayon kay Delos Reyes, ang pagsasagawa ng inspeksyon sa nabanggit na lalawigan ay upang matiyak ang kalidad ng mga sub-project at malutas ang mga isyu at alalahanin sa pagpapatupad ng proyekto bago ang kanilang huling pagsingil.
Sa kasalukuyan, ang DA-PRDP ay mayroong 17 on-going I-BUILD sub-projects sa lalawigan na nagkakahalagang PHP3.68B.
Dagdag pa nito, 14 sa mga I-BUILD sub-projects na nagkakahalagang PHP3.02B ay may 50% at higit pa sa pag-unlad habang ang tatlo naman na nagkakahalagang PHP664M ay mas mababa sa 50%.