Initial payment para sa COVID-19 claims, itinaas ng PhilHealth sa 80%

Tinaasan ng State-run Philippine Health Insurance Corporation ang inisyal na babayaran para sa hospital claims ng COVID-19 cases treatment.

Ayon sa PhilHealth, mula sa dating 60%, ay itataas ito sa 80%.

Paliwanag ni PhilHealth spokesperson Gigi Domingo, ang hakbang na ito ay para mapadali ang pagbabayad sa mga unpaid dues sa mga ospital dahil alam nila na kinakailangan na ito ng mga ospital.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Sa ilalim ng Debit Credit Payment Method, babayaran ng PhilHealth ang 80% ng hospital claims habang ang natitira ay mababayaran oras na matapos ang proseso ng kinakailangang requirements.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Tiniyak din ni Domingo na kumikilos na ang PhilHealth para masolusyunan ang mga delay sa bayad sa pagpapagamot ng COVID-19 cases.

Nitong Linggo, pitong pribadong ospital ang hindi na nag-renew ng kanilang kontrata sa PhilHealth dahil sa delay nito sa payment claims na aabot sa P545 milyon.