Inflation rate sa buwan ng Pebrero, nananatili pa rin daw sa target range

Nananatili pa rin daw sa target range ng pamahalaan ang naitalang 3.4% inflation rate sa buwan ng Pebrero.

Sa pahayag ng National Economic and Development Authority o NEDA, pasok pa rin daw ito sa target range ng Marcos administration na 2 to 4%.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Pangunahing sanhi umano ng pagbilis ng inflation ay ang pagtaas ng presyo ng pagkain, lalo na ng presyo ng bigas.

Binanggit din ng NEDA na sa kabila ng pagbilis ng inflation nitong February, bumagal naman ang core inflation mula 3.8 percent patungong 3.6 percent.

Read More:  ICC Prosecutors submit 6,909 evidence pieces against former President Duterte

Patuloy naman umanong nagsusumikap ang economic team sa pagpapatupad ng mga programa at hakbang na makakatulong upang matugunan ang pagbilis ng inflation.