Inflation rate ng bansa nitong Setyembre, posibleng bumagal sa 2-2.8% ayon sa BSP

Posibleng bumagal pa ang inflation rate, ‘o ‘yung antas sa pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Sa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas, posible raw bumagal ang inflation nitong Setyembre mula 2.0% hanggang 2.8%.

Read More:  Ukrainian firm facing money laundering charges sent funds to Duterte-linked company

Bago ito, una nang sinabi ni Finance Sec. Ralph Recto na magtutuluy-tuloy pa ang pagbagal ng inflation rate sa bansa, ‘o ‘yung antas sa pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Aniya, posible raw bumagal ng hanggang 2.5% ang inflation ngayong Setyembre.

Read More:  Palace blames political noise, fake news for economic slowdown

Nitong Agosto – bumagal ang inflation sa 3.3%.

Samantala, araw ng Biyernes, opisyal na ia-anunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang inflation report para sa buwan ng Setyembre.