Inflation rate ng bansa nitong Nobyembre – lalo pang bumilis sa 14-year record-high na 8%

Lalo pang lumubo ang inflation rate ng bansa sa nakalipas na Nobyembre base sa datus ng gobyerno.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, mula sa itinuturing na record high na 7.7% na inflation noong Oktubre, tumaas ito sa 8% ngayong Nobyembre.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Matatandaan na nasa 2% hanggang sa 4% lamang ang target ng gobyerno na inflation pero noon pa lamang October ay naitala na ito sa 5.4%.

Nanguna naman sa mga factors ng pagtaas ng inflation rate ang mataas na bayarin sa kurynete, produktong petrolyo, LPG, mataas na presyo ng mga agricultural item na dulot naman ng mga nagdaang bagyo tulad ng bagyong Paeng,

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Umaasa naman si BSP governor Felipe Medalla na babagal ang inflation pagkatapos nitong mag-peak ngayong Disyembre hanggang Enero ng susunod na taon
#