Kinumpirma ng Palasyo na mayroon na raw commitment si Indonesian President Joko Widodo para i-reexamine ang kaso ng OFW na si Mary Jane Veloso na nakapila sa deathrow sa naturang bansa.
Sa Viber message, kinumpirma ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil na mayroong ipinangako si Widodo kay Pangulong Bongbong Marocs kasabay ng kanilang mga naging pagpupulong.
Matatandaang inapela si Marcos kay Widodo ang posibleng clemency para kay Veloso.
Nagbigay din ng liham ang mga kaanak ni Veloso kay Widodo para hilingin ang kaniyang kalayaan.