Kinumpirma ng Punong Ministro ng India na si Narendra Modi na magbi-bid ang kanilang bansa para mag-host sa 2036 Olympic at Paralympic Games.
Sa pagsasalita nito sa pagbubukas ng seremonya ng International Olympic Committee (IOC) sa Mumbai, sinabi ni Modi na ang pagho-host nito ay ang matagal ng pangarap para sa India.
Walang tinukoy si Modi na lungsod o rehiyon kung saan ito gaganapin, ngunit posible itong ganapin sa Ahmedabad, dahil nandito ang ipinagmamalaki na pinakamalaking istadyum sa mundo.
Bukod sa India, ang Indonesia, Poland, at Mexico ay naunan nang nagpahayag ng opisyal na interes sa pagho-host ng 2036 Olympics.
