Panibagong dagok na naman ang tumama sa India bunsod ng pinaghahandaang pagtama ng cyclone Yaas sa Bengal at Odisha states mahigit isang linggo lang matapos tumama ang cyclone Tauktae.
Ayon sa Indian Meteorological Department, umaabot sa bugso ng hangin na 185 kilometers per hour ang inaasahan tatama sa border ng West Bengal at Odisha states.

Dahil dito, ipinasara ang international airport sa Kolkata City.
Samantala, nanawagan si Odisha Chief Minister Naveen Patnaik sa mga mamamayan na huwag mag-panic at sumunod sa abiso ng mga otoridad.
Una nang na-evacuate ang nasa 1.2 million na tao sa mga shelters sa dalawang nasabing estado Nakadagdag naman ito sa pangamba ng mga otoridad na posibleng mas mapabilis pa ang transmission ng COVID-19 sa ilang mga lugar sa India