Inday Sara kay Rep. Castro ‘May Dirty Imagination’

Muling binuweltahan ni Vice President and Education Sec. Sara Duterte si House Deputy Minority Leader, ACT-Teachers party-list Rep. France Castro dahil sa pagkuwestyon nito sa bilyong-halaga ng confidential and intelligence funds na hinihiling ng OVP at ng DepEd.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Umapela si Duterte sa Kongreso na dapat daw ay hindi napansinin pa si Castro at ang ‘di umano’y ‘dirty imagination’ ng opposition lawmaker.

Aniya, tila nakahihiya raw dahil hanggang ngayon ay wala pa ring ebidensyang naipepresenta ang Makabayan solon hinggil sa kanilang mga alegasyon.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ito ay kahit na naglabas na ng mga papeles ang mga mambabatas, pero ‘yun nga lang – hindi sila pinaporma sa budget deliberation sa Kamara.

Sa huli, pinasalamatan pa rin ni Duterte ang mga mambabatas at government officials na dumidepensa sa kanilang hiling na pondo.