LEGAZPI CITY – Inihayag ng Commission on Higher Education (CHED) Bicol na suspendido muna ang ibibigay na schoolarship program sa bansa para sa mga incoming freshmen students.
Ayon kay Cyril badiola, Education Program Specialist II ng nasabing tanggapan, wala munang makukuha na schoolarship ang mga Incoming Freshmen sa mga Pribado at Pampublikong paaralan sa buong Bicol Region.
Isa sa mga dahilan kung bakit hindi muna mabibigyan ng scholarship ang mga mag-aaral ay hindi umano ito napondohan o walang budget ang Gobyerno.
Paglilinaw diin nito, tanging apektado ng schoolarship ay mga bagong estudyante o kakatapos lamang nito mag-aral sa senior highschool kung saan ipinagpatuloy lamang nito ang pag-aaral sa kolehiyo.
Aabot sa mahigit kumulang na 500 mga estudyante ang apektado ngayon school year 2022-2023.
Tinatayang P30K sana ang makukuha na schoolarship program na mag-aaral para sa half merit habang P60K para sa full merit ng CHED.
Sinabi ng opisyal, tanging ang 2nd year colleges hanggang sa graduation students ay magpapatuloy ng kanilang schoolarship program sa mga mag-aaral.