Incoming DepEd Sec. Sara Duterte, target ang full implementation ng face-to-face classes sa Agosto

Target ni Vice President elect at incoming Education Secretary Sara Duterte na ipatupad na ngayong susunod na school year ang implementasyon ng ‘full face-to-face classes’ sa bansa.

Sa kanyang press briefing, sinabi ni Vice President Duterte na ikinokonsidera na niya ang 100 percent in person classes sa Agosto.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Sa katunayan aniya ay patuloy ang kanyang pakikipag-ugnayan kay outgoing Education Sec. Leonor Briones para sa transition.

Magkakaroon aniya sila ni Briones ng face-to-face meeting sa darating na Sabado, June 25, 2022.
Mababatid na isa umano sa pagtutuunan ng pansin ni Duterte kapag naupong kalihim ng kagawaran ay ang pag-review sa K-12 program.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Samantala, una nang hinimok ni Briones ang lahat ng paaralan sa bansa na bumalik na sa face-to-face classes.(CLAY MARQUEZ)
#