Inang Magayon, nakarating na sa Legazpi City matapos ang ilang oras na Grand Maritime Procession

LEGAZPI CITY – Nakarating na sa Sawangan Park, Brgy. Dapdap, Legazpi City ang imahen ng Inang Magayon o Nuestra Señora de Salvacion de Joroan matapos ang ilang oras na Grand Maritime Procession mula sa Joroan, Tiwi, Albay.

Bago magsimula ang procession, nagsagawa muna ng isang banal na misa sa Joroan Port.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Hindi pa man nakakalayo mula nang maisakay ang imahen alas singko ng umaga nang pumutok ang makina ng bangkang sinasakyan nito, kaya napagdesisyonan na ilipat ito ng bangka at alas 6 ng umaga nang tuluyan itong makaalis patungong Legazpi City.

Sa ngayon ay nasa Rest & Veneration na sa Sawangan Park ang mga deboto ni Inang Magayon.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Susundan naman ito ng iba’t ibang programa at paghahanda para sa Land Procession mula Sawangan Park hanggang Albay Cathedral.

Inaasahan namang dadalo ang limampu’t dalawang Imahen ng Mahal na Birheng Maria mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, sa loob at labas ng Kabikolan para sa land procession ngayong hapon.