Implementasyon ng ‘oplan baklas’ sa mga ginamit na campaign materials, mahigpit na ipinatutupad ng COMELEC-Bicol

BNFM BICOL – Inihayag ni COMELEC-Bicol Regional Director Atty. Maria Juana Valeza, nakatuon na aniya ang kanilang pansin ngayon sa mahigpit na pagpapatupad ng ‘oplan baklas’ sa mga ginamit na campaign materials mga tumakbong kandidato sa katatapos lamang na Halalan.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Aniya, may kahahantungan ang sinumang kandidato na hindi makikiisa o magsasagawa ng pagbaklas sa kanilang mga ginamit na ‘campaign paraphernalia.

Kaugnay nito, nagpaalala rin ang ahensya na kinakailangan na ng mga itong magsumite ng SOCE o Statement of Contributions and Expenditures panalo man o talo nitong nagdaang eleksyon.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Kinakailangan makasumite ang kandidato ng SOCE matapos ang 30 araw ng Halalan dahil kung hindi ay mapapatawan ito ng penalidad ayon sa Section 39 of RA 7166 ng ahensya.###