Bicolano, Top 8 sa Civil Engineering Licensure Exam!

BNFM BICOL – Nasungkit ng isang Bicolano ang Top 8 sa kakatapos lamang na May 2022 Civil Engineering Board Examinations.

Kinilala itong si John Michael Sta. Clara Casiano, mula sa lalawigan ng Camarines Norte at nakapagtapos ng kursong Civil Engineering sa Camarines Norte State College kung saan nakuha nito ang average 92.20% na grado.

Read More:  Woman killed in alleged jealousy-fueled stabbing; Partner arrested

Sa tala ng Professional Regulatory Commission o PRC, aabot sa 13,781 ang kumuha ng pagsusulit ngunit tanging 5,836 lamang sa mga ito ang pumasa.

Read More:  2 Chinese nationals arrested in ₱1.5-M Cebu copper ore seizure

Ang resulta ng nasabing eksaminasyon ay lumabas limang araw matapos ang pagsusulit.###