Implementasyon ng National Program on Population and Family Planning, mas papalakasin sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Inaasahang mas papalakasin implementasyon ang National Program on Population and Family Planning sa bayan ng Daraga, Albay.

Ito ay isa sa mga pangunahing bahagi ng batas na Responsible Parenthood and Reproductive Health (RPRH) layon nitong tuldukan ang teeenage pregnancy at madagdagan ang kaalaman ng mga kabataan upang maiwasan ang pagkakaroon ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) at iba pang sexually transmitted disease.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Pinagusapan ito sa isinagawang U4U Facilitator’s Training and Teen Trail Roll-out ng Commission on Population and Development (PopCom) na pinangunahan ng Municipal Health Office (MHO) ng nabanggit ng bayan.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Nilahukan din ito ng iba’t ibang mga opisyales mula sa Municipal Health Office (MHO), SK Chairperson, mga miyembro ng Pag-asa Youth Association of the Philippines (PYAP) at ng Youth for Arangkada Banwa Advocates (YABA).