Imee Marcos, hindi iniaalis ang posibilidad na makatrabaho ng next admin si VP Robredo

Nanindigan si Senadora Imee Marcos na kinakailangan nang magkaisa ng mga Pilipino at mga opisyal ng gobyerno kahit na ano pa man ang paniniwala at sinusuportahan nitong partido.

Sa isang panayam, muling sinabi ng kapatid ng incoming president na dapat nang isantabi ang kulay at mga partido para maayos na makapag-serbisyo sa mga Pilipino.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Ito aniya ang paraan para makapag-‘move-forward’ na para sa ikabubuti ng bansa.

Read More:  Philippines emerges as one of Asia-Pacific’s rising tourism forces — WEF

Sinabi rin nitong bukas siya sakali mang makatrabaho ni outgoing Vice President Leni Robredo si President-elect Bongbong Marcos.

Wika ni Marcos, wala namang imposible at maaari itong mangyari.
#