Ilocos Norte mananatili sa MECQ hanggang sa Sept. 30

Nilinaw ng Malacañang na mananatili ang Ilocos Norte sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang sa Sept. 30.

Ang naturang quarantine classification ay iba mula sa naunang anunsyo ng Palasyo na ang probinsya ay ibabalik sa less stringent general community quarantine with “heightened restrictions”.

Matatandaan na una nang isinailalim ng naturang probinsya sa MECQ noong Aug. 16 dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 na dulot ng Delta variant.

Batay sa datos mula Sept. 6, ang Ilocos Norte ay mayroong 27 bagong kaso ng COVID-19 dahilan para tumaas ang kabuoang tally nito sa 16,039.

Mula sa naturang bilang, 2,498 pa ang active cases.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *