Illegal sidewalk vendors sa Naga City sakit sa ulo pa rin ng mga lehitimong negosyante

NAGA CITY – Nananatiling isa sa problema sa Naga City ay itong hindi masaway-saway na mga illegal sidewalk vendors na sanhi ng paghina sa bentahan ng ilan ding maliliit na negosyo lalo na sa palibot ng Plaza Rizal sa kabila ng paghuhuli sa mga ito ng mga personahe ng Public Safety Office at ng Naga City Police Office, naghahabulan ang mga ito.

Kaugnay nito, nakapanayam ng Brigada News FM Naga si Joby Paunil, presidente ng Plaza Food Vendors Association at nabanggit niya na matagal na silang naaapektuhan sa presensiya ng mga illegal vendors na ito na kumikita kahit na walang matinong dokumento, kakompetensiya nila at naaagawan sila ng mga suki.

Ang problemang ito ang idinulog nilang muli sa Market Enterprise and Promotions Office na nangako namang aaksyonan sa pamamagitan ng Public Safety Office na siyang lagi namang nakikipagpatintero sa mga illegal vendors.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *