Illegal recruitment activity, i-report agad sa kinauukulan- MSWDO Roxas

Nananawagan ng tulong mula sa mamamayan ng Roxas, Palawan ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) para mawakasan ang illegal recruitment activity.

Sa naging talumpati ni Jaspher Bacuel sa Flag Raising Ceremony kanina, sinabi nito na agad na i-report sa kanila sa oras na may makita na nanghihikayat na magtabaho sa ibang bansa.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Marami aniya ang napapahamak na mga biktima umano ng ilegal na transaksyon sa ibang bansa tulad ng Malaysia kaya mabuti kung ito ay maaagapan.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Kung matatandaan, dalawang taga- bayan ng Roxas ang nasawi kamakailan sa Malaysia matapos na malason sa pagkain habang sila’y nagtatrabaho doon at napag-alaman na sila’y biktima lamang na illegal recruitment.