NAGA CITY- 809, 457 na mga taga Camarines Sur ang na risk assess sa Mass Philippine Package for Essential Non-Communicable Diseases Interventions (PhilPEN), pinakamataas ito sa Bicol Region pero 98% pa lang ito ng kabuohang target.
Ang datus ay iprenesinta ng Department of Health Bicol. Ayon kay Dr. Monrey Isaiah Mancilla, Head ng Non-Communicable Disease Prevention and Control Cluster.
Kung lalahatin sa Bicol Region karamihang sakit ay may hypertension o mataas ang blood pressure, diabetes, problema sa mata, mga sobra ang pagkain ng maalat at iba pa.
Sa Goa Camarines Sur, sinabi ng nurse na si Jaypee Pares 111% sa kanilang target ang naabot o sobra pa sa inaasahan; sa poblacion area man o sa mga mountainous barangays hypertension ang karaniwang naitatala, kaya paalala nito sa may sakit lalo ngayong sobra ang init ng temperatura, uminon ng maraming tubig at huwag magbilad sa araw.