Illegal recruiter na nagpanggap na empleyado ng DMW, arestado ng CIDG

Huli sa joint entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group, Anti-Transnational Crime Unit at Department of Migrant Workers Migrant Workers Protection Bureau ang isang illegal recruiter na nagpanggap na empleyado ng DMW.

Base sa report, nahuli ang suspek sa isang mall sa Cubao, Quezon City kamakalawa.

Ayon sa mga biktima, March 2024 nang magpakilala ang suspek na empleyado sya ng DMW gamit ang pekeng identification card at nag-alok ng trabaho papuntang Canada bilang “fruit picker” na may buwanang sahod na 3,800 Canadian dollar o P150,000 hanggang P160,000.

Read More:  VP Sara: government should prioritize needs of ordinary Filipinos amid political noise

Bawat biktima ay pinagbabayad ng halagang P200,000 hanggang P230,000 bilang placement fee at pinangakuan na kapag nagbayad ng buong placement fee ay mapapaalis agad sila sa loob ng dalawang buwan.

Makaraang magbayad ang bawat biktima ng P200,000 na placement sa opisina ng suspek sa Montalban, Rizal at matagal na walang natatanggap na magandang resulta ng aplikasyon…

Read More:  No extension for COC filing in BARMM parliamentary elections — Comelec

Dito na sila dumulog sa DMW.

Napag-alaman sa imbestigasyon na walang lisensya ang suspek na mag-recruit ng magtatrabaho sa ibang bansa at hindi ito empleyado ng DMW.

Sa ngayon, nakakulong sa CIDG detention facility sa Camp Crame ang suspek at nahaharap sa kasong large-scale illegal recruitment, estafa at usurpation of authority.