Iligal na pangingisda, problema pa rin sa ilang karagatan sa rehiyon – Mangingisdang Direktor ng BFAR-Bicol

SORSOGON CITY – Aminado ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Bicol na sa kabila ng mahigpit na monitoring at implementasyon ng mga batas ay nanatili paring problema sa ilang bahagi ng rehiyong bicol ang mga iligal na paraan ng mangingisda.

Sa panayam ng Brigada News Fm Sorsogon sa Mangingisdang Direktor na si Imelda Belda, sinabi nito na ito talaga ang matagal nang problema lalo na sa mga malalayong bahagi ng rehiyon kung saan napipilitan ang ilang mangingisda na bumalik sa illegal fishing dahil narin sa mahinang huli.

Read More:  Negrense youth defies challenges, finishes among PMA’s finest

Tinukoy ng opisyal ang patuloy pa rin ng paggamit ng mga dinamita sa ilang municipal waters at iba pang pamamaraan sa pangingisda na matagal nang ipinagbawal ng gobyerno.

Read More:  Four CPSU graduates enter 2026 LET top rankings

Patunay umano dito ang datos ng PNP kung saan halos linggo -linggo ay nakakapagtala ng mga nahuhuling mangingisda. Panawagan ng opisyal sa lahat ng mangingisda na iwaksi na ang mga ganitong gawain dahil mas lalo lamang itong nagdudulot ng problema sa karagatan kung saan dapat isinasaalang- alang rin ng mga ito ang kapakanan ng mga susunod na henerasyon.