Ilang senador, tinawag na ‘good move’ ang pag-retract ni Pangulong Rodrigo Duterte sa VFA termination

Welcome sa maraming senador ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang termination ng Visiting Forces Agreement kasama ang Estados Unidos.

Tinawag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III bilang “good move” ang ginawang desisyon ng Pangulo.

Sinuportahan naman ni Senator Panfilo Lacson, chair ng Senate national defense committee, ang naging hakbang ng Pangulo.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Sinabi ni Lacson na ang termination ng VFA ang maglalagay sa Pilipinas sa disadvantage, kung ikokonsidera ang patuloy na panghihimasok ng China sa West Philippine Sea.

Inihayag naman ni Senator Francis Tolentino na ang retraction ng VFA termination, na sinamahan pa ng pagpapatibay sa treaty, ay ang tamang hakbang sa gitna ng kasalukuyang geopolitical tensions sa Indo-Pacific region at bilang bahagi ng selebrasyon ng Pilipinas sa ika-75 taon ng diplomatic relations nito kasama ang US.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Ipinunto naman ni Senate foreign relations committee chairman Aquilino “Koko” Pimentel III na dapat ay mag-concur muna ang Senado sa bagong treaty kung may bagong terms ang naidagdag sa VFA.