Ilang senador hinimok ang IATF na ibalik na ang face-to-face classes

Tiniyak ni COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr., na bubuksan niya sa susunod na IATF meeting ang usapin ng pagbabalik ng face-to-face classses.

Sa plenary debates kaugnay sa 2022 budget na dinaluhan ni Galvez, hinimok ng mga senador ang kalihim na pag-aralan ang pagbabalik ng in-person learning.

Read More:  Escudero says he would decline VP post if Sara Duterte is removed

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon kung magpapatuloy ang kasalukuyang sistema ng edukasyon posibleng may malaking epekto ito sa mga estudyante.

Pabor din si Sen. Pia Cayetano sa pagbabalik ng face-to-face classes matapos ibaba sa alert level 2 ang quarantine restrictions sa Metro Manila.

Read More:  Imee Marcos questions President’s ‘don’t panic’ remark

Paliwanag ni Cayetano pinapayagan na ang mga menor de edad na makapamasyal sa mga coffee shop, pwede na sa contact sports, kaya wala nang dahilan para pigilan pa ang mga itong pumasok sa paaralan.