Ilang paliparan sa bansa, balik-normal operasyon matapos ang naganap na global IT outage noong Biyernes

Balik normal na ang operasyon sa ilang paliraparan sa bansa matapos ang naganap na global IT outage na nagsimula noong Biyernes.

Humingi naman ng paumanhin ang mga naturang paliparan sa mga pasahero na naapektuhan ng mga pagkakaantala at pagkansela ng mga biyahe.

Read More:  Mabanta, four others released on bail in Romualdez case

Tiniyak naman ng airlines na patuloy ang kanilang ginagawang hakbang para mabasawan ang abala sa mga apektadong pasahero.

Mababatid na nagkaroon ng bad update mula sa cybersecurity ng CrowdStrike ang nakaapekto sa mga Windows computers ng Microsoft sa buong mundo dahilan upang maantala ang maraming negosyo at transportasyon sa buong mundo.

Read More:  Trillanes claims ICC Warrant issued against Bato

Pero pagtitiyak naman ng CrowdStrike na hindi ito isang cyberattack.