Ilang paaralan sa Goa, Camarines Sur, balik face-to-face classes na ngayong araw

CAMARINES SUR — Balik face-to-face classes na ang ilang paaralan sa bayan ng Goa, Camarines makalipas na magdeklara ng suspensyon at shifting ng klase sa ibang learning modality bunsod ng matinding init ng panahon.

Kabilang sa mga magpapatuloy na ang onsite classes ngayon ay  ang  Partido State University, Goa National High School, at Goa Central School. Subalit ayon kay Oscar Parola, ang Principal ng Goa Central School, nakadepende pa rin ang magiging lagay ng pasok sa mga susunod na araw kung magpapatuloy ito o magpapatupad na ulit sila ng ibang learning modality.

Sa ngayon, habang hinihintay ang muling abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) tungkol sa lagay ng init ng panahon, isasagawa nila ang National Achievement Test (NAT) at ang preparasyon para sa Early Language Literacy and Numeracy Assessment (ELLNA).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *