Ilang mga tauhan mula sa NAVFORSOL na nakiisa sa Cessna plane crash operations sa Albay, binigyang-pagkilala sa Quezon City

LEGAZPI CITY – Binigyang-pagkilala ang ilang mga tauhan ng Naval Forces of Southern Luzon (NAVFORSOL) dahil sa kanilang natatanging pagganap bilang bahagi ng search, rescue and retrieval team para sa Cessna 340 plane crash.

Isinagawa ang isang Tribute Ceremony sa Quezon City, kung saan tumanggap ng parangal si Lt. Jolapong PN, kasama ang lima pang Naval Special Operations Unit 3 (NAVSOU3).

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Bukod pa rito, nagbigay naman ng pasasalamat si Energy Development Corporation (EDC) President and Chief Operation Officer Richard B. Tantoco at ang pamilya ng mga biktima sa team dahil sa kanilang hindi matatawarang serbisyo at sakripisyo upang makuha at maibalik sa kani-kanilang pamilya ang mga labi ng mga biktima ng plane crash.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kung matatandaan, simula nang isagawa ang operasyon, anim na personahes mula sa yunit ang nai-deploy at isang naval helicopter ang nagamit sa paghahanap ng mga biktima malapit sa tuktok ng Bulkan Mayon.