Ilang mga nitso sa Albay Catholic Cemetery, patuloy pang nililipat sa ossuary

LEGAZPI CITY – Unti-unti nang binabaklas o inaalis ang mga nitso sa Albay Catholic Cemetery sa lunsod ng Legazpi upang maging maaliwalas sa paningin tuwing bibisita sa loob.

Ayon kay Wilson Rodrigueza, sepulturero ng nabanggit na sementeryo, patuloy pa rin ang paglilipat ng mga kabaong patungo sa ossuary.

Read More:  Malunggay-pandesal vendor shot dead in Maguindanao del Sur

Aniya, marami-rami pa ang kanilang kinakausap na pamilya ng mga yumao upang hikayatin silang ilagay sa maayos na libingan ang mga labi ng kanilang kaanak o mahal sa buhay.

Read More:  Jaro archbishop takes temporary helm of Kabankalan diocese

Tinatayang nasa 10% pa lamang umano ang kanilang naililipat sa ossuary.

Sinabi pa ni Rodrigueza na hindi nito alam kung kailan ang pinakatarget na mailipat lahat ng mga nitso sa ossuary dahil ang tangi lamang na nakakaalam nito ay ang nagpapalakad na simabahan.