NAGA CITY- Nasa 50.3 milyong Pinoy o 10 milyong pamilya ang walang maayos na palikuran habang nasa 24 milyon ang gumagamit ng hindi maayos na banyo at ang iba ay wala talagang sariling palikuran ayon sa Department of Health noong 2020.
Ang kawalan ng sarli at maayos o malinis na palikuran ay ikinababahala ng DOH dahil posible itong maging dahilan ng mga sakit tulad ng polio.
Sa Naga City, kahit na nga business hub at multi awarded na lungsod mayroon pa ring mga walang sarling palikuran; sila ang mga narerecolate at mga least economically resilient individuals.
Sa proposed Budget ng Guinhawang Nagueṅo sa ilalim ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO, kasama pa ito sa paglalaanan ng pondo. Ayon kay Program Head Eric Salvino, target nila na wala nang Nagueṅo ang walang sariling palikuran. Makikipagpulong sila sa Barangay para sa eskaktong bilang.
Sa taong 2022, target ng DOH na mawala tuldukan ang open defecationlalo pa sa mga rural areas subalit problema ang budget para rito.
Nakapalaman sa Local Government Code of 1991 na obligasyon ng LGUs ang pagbibigay pasilidad sa kalinisan at kalusugan.