Naiintindihan umano ng ilang mga komyuter ang P2 na dagdag sa pamasahe sa mga jeep sa ilang lugar sa bansa.
Itoy matapos aprubahan ang naturang karagdagang singil sa pasahe sa Metro Manila, Region 3 at Region 4 kung saan magiging P11 na ito simula ika-1 ng Hulyo.

Ayon kay Elvira Medina ng National Center for Commuter Safety and Protection, maluwag nilang tinatanggap ang usaping ito dahil naiintindihan umano nila ang kalagayan ng mga tsuper.
Samantala, nasa 5 litro umano ng gasolina ang madadagdag sa kita ng nasabing mga drivers kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. (ARGIE ERGINA)