Ilang mga jeepney driver sa Legazpi City hindi kinatuwa ang card fuel subsidy

LEGAZPI CITY – Masaya sana ang mga Jeepney Driver sa lungsod ng Legazpi kung naibigay lahat ang Card fuel subsidy program ng National Government.

Ito ang naging pahayag sa Brigada News FM Legazpi ni Jojo hindi totoong pangalan bumabyaheng San Francisco to Legazpi Terminal vice versa, Ayon kay Jojo, hindi ikinatuwa ang fuel subsidy dahil sa hindi naman nila nagagamit tuwing sila ang pumapasada ng Jeepney.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Hindi umano binibigay nang operator ang card fuel na para sa mga driver ang nabanggit na programa. Wala na rin silang magagawa pa rito dahil sila mismo ang may-ari ng nasabing sasakyan at sila ay umaarkela lamang ng jeepney upang maghanapbuhay para sa kanilang pamilya.

Napag-alaman rin umano nito na ilan sa mga operator ng Jeepney ang nakikinabang ng programa.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ayon pa sa isang driver, malaking tulong na rin ang ibinigay na fuel subsidy dahil sa hindi na umano mababawasan pa ang kanilang kita.

Subalit aabotin lamang ito ng 10 araw ang kanilang paggagasolina kung saan maghihintay pa ito ng 2nd phase bago muli magamit ang card fuel subsidy program ng National Government.