Ilang mga bayan sa Catanduanes makakaranas ng Power Supply Interruption

BNFM BICOL – Makakaranas ng pansamantalang Power Supply Interruption ang ilang mga bayan sa Catanduanes ngayong araw, July 4 at bukas July 5 simula alas alas-6:00 ng umaga hanggang alas-11:00 at alas-6:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga.

Ito ang mga bayan ng Pandan at San Andres na dulot ng pagpapalit ng mga primary pole sa Lumabao, Pandan at ang paglinis ng right of way mula Bagawang hanggang Panuto, Pandan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa Biyernes naman, ang pagpapalit ng tanalised pole B8/A1 structure sa Palawig, San Andres ang isasagawa. Inaasahan na ang mga lugar na maaapektuhan ay ang Bagawang, Lumabao, at Panuto sa Pandan, pati na rin ang bahagi ng Brgy. San Andres.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Nagpaalala ang mga awtoridad na maaaring matapos ang mga gawain nang mas maaga sa nakatakdang oras, kaya’t hinihikayat ang lahat na ituring ang mga linya ng kuryente na palaging energized bilang pag-iingat. Ang kooperasyon ng publiko ay lubos na hinihiling upang maging maayos at ligtas ang pagganap ng mga trabahong ito. ### RUMER GRANT