Ilang maritime incident naitala ng PCG ngayong taon

CAMARINES NORTE- Naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ilang maritime incident dito sa lalawigan ng Camarines Norte ngayong taon.

Batay sa datos ng Coast Guard Station pinakamarami sa naitalang maritime incident ngayong taon ay pagkalunod na mayroong apat,  tatlong engine trouble at isang Man overboard.

Mas marami ito kumpara noong isang taon na isang insidente lamang ng engine trouble.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Ayon sa Coast Guard ang mga naitatala lamang ay ang mga nairereport sa kanilang tanggapan.

Hindi rin nakasama sa report ang pagtaob ng isang bangkang pangisda sa bayan ng Mercedes na nangyari noong Lunes dahil sa lakas ng ulan at hangin.

Sa naturang insidente ay nasagip ng Maritime Police Station ang siyam na mangingisdang sakay ng  tumaob na bangka na pawang mga taga Jose Panganiban.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Ligtas ang mga itong nakauwi sa kanilang tahanan.

Kaya naman paalala ng mga awtoridad lalo na ngayong panahon ng mga bagyo ang ibayong pag- iingat.

Inaasahan na rin kasi na sa mga susunod na araw ay lalakas ang pag iral ng amihan at kasabay nito ang mga bagyo na tumatama sa rehiyon at lalawigan.