Ilang mambabatas, kinuwestiyon ang ‘drastic’ decrease sa kanilang DPWH funding

kinuwestiyon ng ilang mga mambabatas ang “drastic” decrease sa proposed infrastructure budget para sa kani0-kanilang distrito para sa susunod na taon.

Tanong ni Quezon City 4th District Rep. Marvin Rillo, paanu umano nabuo ng DPWH ang iba-ibang legislative district budgets pagdating sa pagtukoy ng mga proyekto at programa? 

Read More:  NBI witness fails to identify alleged hitman in VP Sara trial

Sinasabi din umano na mayroong bagong formula na binuo, para maka-come up ng naturang budget.

Pero paliwanag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na para sa 2023, may mga core programs umano ang ahensya na popondohan, na nag-iwan ng mas maliit na budget na paghahati-hatiian ng mga local public works projects ng bawat distrito.

Read More:  NBI recommends charges against Tab Baldwin over deaths of Baterbonia and Adili

Ayon kay Public Works Secretary Manuel Bonoan, ang mga prayuridad ay kinabibilangan ng pagpapaganda at rehabilitasyon ng national roads at flood control projects.

Sinabi rin ng DPWH na nagpatupad sila ng zero-based formula para matiyak ang equitable distribution ng allocable resources para suportahan ang mga local projects.