Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang fare increases para sa mga traditional at modern jeepneys, buses, taxis, at transport network vehicle services (TNVS).
Kaugnay nito, P1 ang inaprubahan ng LTFRB sa minimum fare para sa unang apat na kilometers travel sa parehong traditional at modern jeepneys.
Dahil dito, sinabi ng public land transportation regulator, na ang minimum fare na para sa traditional public utility jeepney (TPUJ) ay nasa P12, habang sa modern PUJ (MPUJ) ay P14 na.
Kaugnay nito, nagbigay din ng go signal ang ahensya para sa karagdagang pasahe na P0.30 para sa bawat sunod na kilometro para sa TPUJ, habang karagdagang P0.40 per succeeding kilometer ang ipapatupad sa MPUJ.
Para naman sa mga public utility buses (PUB), P2 uniformed base fare hike ang inaprubahan ng regulator para sa city at provincial buses sa unang first five kilometers at ang succeeding kilometer fare increase ay P0.35 hanggang P0.50 depende sa klase ng bus.
Samantala, inadjust din ang flagdown rate para sa mga taxis at TNVS ng P5.00.
