Ilang mambabatas, hati ang opinyon sa itinutulak na national examination

Tinawag na “stingy” ni Senador Chiz Escudero ang kagustuhan ni Finance Secretary Benjamin Diokno na sumailalim sa national examination ang mga gustong makatanggap ng libreng edukasyon sa mga state universities and colleges (SUCs).

Ayon kay Escudero, buti pa sa mga usaping “flood control” ay liberal ito kumpara sa pagbibigay ng karampatang pondo sa pag-iinvest sa “human capital” ng bansa.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Samantala, binigyang-diin ni Senador Koko Pimentel na naiintindihan niya ang punto ni Diokno na dapat bigyang prayoridad ang pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga karapatdapat na estudyanteng gusto pumasok ng kolehiyo, may kakayahan makapag-aral at may kakayahang mag-secure ng kanilang competitive slot.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Dagdag pa ni Senador Sonny Angara, magandang mapag-aralan muli ang nasabing proposal upang mahingan ng tulong ang mga milyonaryong pamilya sa pagbibigay ng tuition sa mga mas mahihirap na pamilya o mag-aaral.

Kung maalala, sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program, naglaan ng P105.6 bilyon na pondo ang gobyerno para sa state universities and colleges.