Ilang lugar sa Camarines Norte inulan nitong Biyernes

CAMARINES NORTE – Nakaranas ng katamtamang ulan ang ilang bahagi ng Camarines Norte nitong Biyernes.

Yan ay sa gitna ng matinding init ng panahon na naranasan nitong mga nagdaang araw.

Ayon kay Pagasa Daet weather specialist Anjanette Ebron, ang naranasang pag ulan partikular sa Labo at Jose Panganiban gayundin sa ilang bahagi ng second district ay dahil lang sa localized thunderstorms. Tumagal din ng hindi bababa sa 15 minuto ang naranasang pag ulan.

Ngayong araw ay Easterlies ang iiral o kaya naman ay Ridge of high pressure area kaya asahan ang mainit na panahon sa maghapon.

Nagpaalala rin ang Pagasa Daet station sa mga may lakad ngayong weekend o yaung mga pupunta ng beach resorts na magbaon ng sapat na inuming tubig.

Una nang sinabi ng local station ng state weather bureau na papahina na ang El Niño ngayong buwan o sa Mayo at posible naman ang La Niña pagsapit ng Hulyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *