Makakaranas ng 6 na oras na water service interruption ang ilang lugar sineserbisyuhan ng Manila Water.
Bunsod ito ng isasagawang emergency repair at maintenance activities mula ngayong araw hanggang sa July 16.
Ayon sa Manila Water ,mawawalan ng serbisyo ng tubig simula mamayang alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw ang Barangay, San Isidro at Barangay, San Roque sa Angono Rizal.
Makakaranas din ng water interruption mula July 15, 2024 alas 10:00 ng umaga hanggang July 16 2024 alas 4:00 ng umaga ang ilang lugar sa Binangonan Rizal at Mkaati City
At parte ng Quezon City Mula 10:00PM ng July 16 hanggang 4:00AM ng July 17, 2024.
Pinapayuhan ang mga apektadong residente na paghandaan ang pansamantalang pagkawala ng supply ng tubig. (BRIGADA INTERN JESSA QUIROZ)