5 dating miyembro ng CTG, sumuko sa mga awtoridad

Limang dating miyembro ng communist terrorist group ang sumuko sa mga awtoridad.

Ayon sa Police Regional Office 3, sumuko ang isang myembro ng Regional Sentro De Gravidad na si “Ka Yan,” sa Mabalacat City Police Station.

Habang si “Ka During,”, dating miyembro ng “Iskwad Primera Bagong Hukbong Bayan ay boluntaryong sumuko sa mga elemento ng Aurora 1ST PMFC. Isinuko ritn nito ang isang cal.38 na revolver at 40MM high explosive.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Sa Tarlac PPO naman sumuko si “Kumander Bulag,” dating miyembro ng Alyansa ng mga Magbubukid ng Tarlac at “Ka Jeric,” isang miyembro ng NPA sa Zambales 2nd PMFC

Dagag pa dito, boluntaryo din sumuko si “Ka Loraine,” at “Ka Minda”, sa tarlac at Pampanga PMFC.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Samantala, isang dating myembro pa ng CTG na si “ Ka Atan,” ang sumuko rin sa mga awtoridad.

Patuloy na hinihikayat ng mga awtoridad ang mag natitirang miyebro ng CTG na sumuko na sa mga awtoridad at harapin ang bagong buhay. (BRIGADA INTERN JOEL RICALDE)